Total Pageviews

Thursday, November 26, 2015

#DIY

Gave myself a hair cut. Kasi:

1) Hindi ko lagi nagugustuhan ang result sa salon. feeling ko pinapa-panget nila ko. Chusera. Haha

2) mahirap mag describe kung anu gusto kong gupit. Xmpre gusto ko ako masusunod. Kaya ako na lang ang gagawa

3) kuripot ako. End of story.


Wednesday, October 21, 2015

Observation

i think it's really unfair to hate a person just because your friend dont like 'em. I mean, i get the whole The-Enemy-of-my-friend-is-my-Enemy thing, pero kung wala naman siya ginagawang masama sayo personally, why hate? Diba?

Well, kung hate mo ang ex ng friend mo kasi nag-cheat sa friend mo, that's a different story. YOu can hate all you want, coz i'm also guilty. Haha :)

pero kunwari, asar yung tropahan nyo sa isang tao kasi "malandi" daw yung taong yun, makikisali ka na kahit di mo naman kilala yung tao, jinudge mo na. YOu feel me? Dibah? Wala ka bang sariling isip? Duh. That is very shallow.


Sunday, October 4, 2015

Sunday Family Day

Our common day off from work is Sunday. Well, i am really a home buddy and i reaalllly hate going to mall on weekends. Pero dahil nga Sunday lang yung talagang may time kami to go out, gora pa rin kahit mej gloomy ang weather.


Takot dati si Bien dito e, nagulat nga ako kasi sya pa mismo nag-volunteer magpapicture. Siguro kasi kaka-tapos lang namin manuod ng Transformer movie bago kami umalis ng bahay.


Ayyy..

Teka lang, Iron MAN nga pala to. TApos, Transformers? HAha anung kunek?

Parehas ROBOT!! O ano?! Kala mo ha.. hahaha


Choo-choo train...


Chow time.. nyam nyam


Wala kami photographer so eto na yung "family picture" namen.


NAg- arcade pa after pero di na ako nakakuha ng pictures kasi malalamangan ako nung mag-tatay e. HAhaha Talagang agawan kaming tatlo sa token.


PAgod na pagod si Bien, tulog nga sya sa bayahe pauwi. Masaya kahit inabot kami ng ulan.

:)

I'm sleepy too..

ZzzZzzzzZzzzzz....


Thursday, October 1, 2015

KOKOLOGY: The Game of Self-Discovery

                                

Just recently, my team mate EMMA, brought a book entitled KOKOLOGY.  Aminin mo nkakatawa yung title. HAhaha akala ko guide kung pano mag mani-pedi, ganyan.. hindi pala.


                               

SO what is KOKOLOGY?

Dahil tamad ako mag-type. Ayan, pinicturan ko nlng para sayo.


Tuwing avail, naglalaro kmi neto sa floor. The Instigator Emmma, Rohan & Michael (oha tandem talaga), Andrea, at kung sinu mang mapaupo malapit dun sa station namin.

Bale ang mechanics, may isang scenario or situation na sasabihin sayo then may choices after at kung ano ang mapipili mong isagot- may definition or analyzation na nagrereflect ng personality mo. Gets?


ALam kong di mo na-gets. DAhil jan, bibigyan kita ng sample.


                            

Eto yung isang scenario. BAsahin mo munang maige. Pick an answer.  Then ang explanation nasa baba.

NO CHEATING!

Minaster mo na nga yan nung estudyante ka e, pati b nman dito?


Okay? Nakapili ka na ng sagot?

Yiieeee... scroll down beybehhh


                         

                          


If i ever you're wondering kung anu isinagot ko, yun e #1.  And for me, swak na swak naman dahil ganun talaga ko. Lagi ko iniisip yung worst. Hindi kasi ako magaling mag-handle ng disappointments.

Kunwari mag aapply ako sa trabaho, ang iniisip ko beforehand, di ako matatanggap. So pag natanggap ako, ang sarap sa feeling. Pag naman di ako natanggap, hindi ganung kasakit, kasi hindi naman ako umasa in the first place. Dibah? Very BLACKBIRD raaaayt?


Ikaw? Tama ba sa personality mo yung pinili mo? Well,kung hindi.. keri lang yan. It's just a game after all. We can't let it define us.

XOXO


Monday, September 21, 2015

LAlalala... 🎵🎤🎶

Sobrang hilig ko mag-videoke. MAhilig ako kumanta kahit minsan yung kanta wala naman hilig sakin.


FAvorite bonding time namin yun ng kapatid ko. Sa mall or bahay ng kaibigan. Todo bigay lagi kami kumanta. Naaalala ko pa lagi namin kinakanta yung Total Eclipse of the Heart tapos pag mataas na part na umaakyat sa upuan yung kapatid ko. Para daw "maabot" nya. haha☺


kakamiss!


Friday, September 18, 2015

QUALITY vs QUANTITY

Friendship really requires effort from both sides. MAdami na rin akong fell-out-of-friendship experiences, yung tipong hindi naman ganun kalayo yung mga tirahan nyo, wala naman kayo pinag-awayan, pero somehow unti-unti na lang kayong naging distant sa isa't-isa.


At kaya ko bigla naisip to kasi touch na touch naman ako sa mga taong to.


Si louie or LULU e nasa ibang bansa na, pero mas close pa kami kesa sa mga "kaibigan" ko na nandito sa Pilipinas. 


ANd then there's LEE and MITCH.
parehas busy with work, family and personal lives pero sobrang naaappreciate ko yung effort nila to keep in touch and makipagkwentuhan kahit saglit lang every once in a while just to do some catching-up.


But wait! There's more! Haha
Meet my new found friend DAR.

Sorry dar, eto lng pic naten sa phone ko haha


I gotta admit i only have a small circle of friends. And it's my choice. I'd like to keep it that way. Sa mga taong kilala talaga ako, hindi ako mapagpanggap, pag ayaw ko sa isang tao, di ako magsasayang ng oras makipagplastikan.  Hindi ko kailangan ng madami pero di naman totoo. Hindi ko kailangan ng madaming ACQUAINTANCES. Ang hinahanap ko GENUINE FRIENDSHIP which i found in these people. 


Also, special shout out to my PSYCHOTHERAPY GROUP. 

ARIANE and DORI

We have been friends since highschool and up to now, hindi pa din sila nawawala.


Malas man ako sa ibang aspect ng buhay ko pero i feel so lucky and blessed dahil kaibigan ko ang mga taong to. I love you guys. ��❤����


Tuesday, July 28, 2015

Inked!

I've been wanting to get a tattoo for the longest time. Parang since college pa. But since I grew up with strict parents (or I'd rather say A VERY STRICT MOTHER) hanggang pangarap lang..

Now that I have my own family at nkabukod nko. Sabi ko sa sarili ko WOW! this is it!!
But guess what? ayaw pumayag ng asawa ko. Antagal tagal ko na sya inaaya magpa-tats kht matching ring tattoo, pero ayaw nya talaga.

And then something happened.

We had a terrible fight. TERRIBLE FIGHT. It almost ended our marriage. OR AT LEAST I LEFT HOME FOR A FEW DAYS.. I dont want to elaborate, bottom line is: TINUPAD KO ANG PANGARAP KO. hihihi




Okay. Well, here's the idea. Syempre, need I explain? Vienne is the name of my unico hijo.

*shout out to my best buddy LOUIE TANABE BAUTISTA for designing this*

:)

WHY ANCHOR?

uhmm.. An anchor holds a ship in place. So an anchor is associated with STRENGTH & STABILITY. So symbolically, i see my son as someone who holds me in place, who provides me strength to hold on gaano man kabigat ng pinagdadaanan ko.

Ang haba ng explanation! Gusto ko lang talaga umarte kaya ako nagpa-tattoo! Hahahahaha








Masakit kung sa masakit. Pero i didn't mind the pain, kasimas masakit ang puso ko nun e. #hugowt HAHAHA

Deh, serious. Keri lang. Ewan ko kung mataas lang ang tolerance ko sa pain or emo lang talaga ko nang mga panahong yon. Pero keri lang talaga. Baka hindi lang painful sa part na yun.


Friday, June 26, 2015

Team A

A for Arielle. I've been a part of this team ever since i joined my company at never ko gugustuhing lumipat ng ibang team kung bibigyan ako ng option.
but of course, hindi naman kami perfect. Iba-iba ang personality namin kaya di maiiwasan yung mga misunderstanding at pagka-clash but what i like most about this team e yung word mismo na "TEAM" eto yung nagdedefine sa'min.

Team: \tÄ“m\  
             noun
             *two or more people working together.
             *a group of players forming one side in a competitive game or sport.
              verb
             *come together as a team to achieve a common goal.  

 effort and unity, yan ang meron ang team na to na lalung lumalabas pag may events & activities sa office. Isa pa, very supportive ang TL namin.

madami nang dumating at umalis sa team na to sa loob ng dalawang taon na andito ako..
i even blogged about my first  Xmas par-tee with them. 

Eto yung inabutan kong team:

Yella, Ken, Chary, Fanco, Dex & Louie nagresign na. Eric, Leo, Joyce & Lou are now part of a different team.

Here's the pic naman from our 2014 xmas party:


L to R: Pat, Tom, Dar, Emma, Rohan, Mike, Andrea, Chary, Tin, Glyz,  FRONT: Adette, Jo, TL A, Meeeee, Sha, Joey



kasama na ang newbies dito..

and here's our most recent pic:


TAGAYTAY team bfast
i am happy with this team, walang halong char char.
and i promise to post our upcoming Team Building this July. :)


Cheers guys! xoxo

Tuesday, April 14, 2015

Maling akala.

YOU ONLY SEE WHAT I CHOOSE TO SHOW YOU.

Hindi porque palaging naka-ngiti e wala nang pinagdadaanan. I'm a bubbly person. Masaya. Palatawa. Mahilig mang-asar. Magulo. Makulit. Maloko. The problem with people like me- e AKALA ng mga tao, palagi ka na lang "masaya" - na wala ka nang nararanasang problema, to the point na nagiging insensitive na. AKALA ng mga tao porque mapagbiro ka e okay lang na biruin ka sa LAHAT ng oras. Parang wala ka karapatan mag-seryoso. AKALA mo. AKALA nyo.

Kung AKALA mo kilala mo na ko, nagkakamali ka. Surface lang ang nakikita mo. I'm a tough nut to crack. I don't just open up to anyone. If you really know me, you would dig deeper. At malalaman mong may pinagdadaanan din ako.

YOU ONLY SEE WHAT I CHOOSE TO SHOW YOU.

Tuesday, March 31, 2015

Nail Fetishism

I have a very weird obsession with Nail Polish. i try to change it almost everyday.Syempre kasama sa hygiene yang kalinisan ng kuko dibah?

*kelangan i-justify natin ang kaartehan natin.. HAHHAHAHA*

Share ko lang some of my "NAIL SELFIEs"
 

FRENCH TIP

French Tip ulit :)    (my version of a french tip)

i call this DINO EGG Nail Polish (WAG MO NA IPA-EXPLAIN, TINATAMAD AKO)

GUSTO KO LANG TALAGA IPAGYABANG YUNG PABANGO haha

this I call HOLIDAY NAILS

NAIL ART: super hirap gawin neto! dugo't pawis

charott lang, NAIL STICKER lang yan hahahha

minodel ko lang talaga yung anit ko dahil bagong kulay yan

kelangan kasama daw yung Sarbucks pen. YUNG TOTOO, ANG YABANG MO TEH

one of my favorites DARK RED yan di lang halata. (KELANGAN KASAMA YUNG LEGS)

NO SHINE BLACK nail polish

eto totoong NAIL ART na to. pero hindi ako yung gumawa haha thank u NAIL-A-HOLICS

eto ako ang gumawa!!  leggings ko yang nasa background. I'M SO CREATIVE noh? #ChairLifting101

Yun lang..

Saka na yung iba.. Hihi

Wednesday, March 25, 2015

FRIENDS vs "FRIENDS"

You may want to re-evaluate the people that surrounds you. Just because you see, hang-out and talk to each other on a daily basis, doesn't mean you are friends. Well, you may think you are "FRIENDS" but you're really not. anlabo ba??

I've thought of some pointers, criteria or aspects -whatever you wanna call it that may help you SCREEN or EVALUATE these people around you.

  • one major player here is MONEY. siguro almost everyone a-agree. I am very sure we've all gone through this. If not personally, i know we all know a person, who knew a person who fell-out-of-"friendship" because of money matters. It's really sad that your relationship with a certain "friend" will fall apart just because of financial issues. Yung iba siguro sasabihin: PERA LANG YAN. HINDI DAPAT PINAG-AAWAYAN." Well, it's not just about the money. When you lend someone monetary help, you are also giving away your trust. At pag hindi tumupad sa usapan yung impakto mong kaibigan at hindi ka binayaran, you're not just disappointed because of the money. You're disappointed because that person BROKE your TRUST. #hugot *may pinagdadaanan yata si ateyy* hahahaha Anyway, let's just all move-on & hope maka-alala ang mga hampas-lupang yan. CHARAUGHT!!!
  • Another question to ponder is "Am I just feeling the presence of my "FRIEND" when he/she needs something? Eto na si JOHN MICHAEL. anJOHN lang pag MICHAELangan! Mejo self-explanatory naman na siguro 'to.
  • TRANSPARENCY- How sure are you na totoo sa'yo ang "friend" mo? Kaya mo bang i-pusta ang dalawa mong kidney at sabihin sa'kin na wala syang sinasabi against you behind your back? O takot kang tumalikod kasi alam mo na the moment you turned your back ikaw na ang topic ng usapan? REAL FRIENDS STAB YOU IN THE FRONT. Oh well...
 We can never learn who our real friends are not until andun na tayo sa sitwasyon na gipitan na. Sabi nga ni Edmond Mbiaka (Hindi ko sya kilala, natuwa lang ako sa saying nya. HAHA!)
“One can never tell whose one's true friends really are until one hits rock bottom.” 



Advanced Wedding Anniversary Celebration

Advanced Wedding Anniv Celebration daw pero suuper late post. December pa to (2014) .. December 14 ang anniversary pero a week earlier tong getaway na to.

Late ko na-post kasi bwisit na tumblr, may binago sila di nako makapagpost ng maayos.
Anyway, maisingit ko lang, sa tumblr talaga ako nagba-blog. kaso nga ayun, nabadtrip na ko. Feel free to check it out! ---> here

Ze hubby surprised me with a beach trip.  Sa Batangas itey. Nasugbu. Here's a link to their website.

Si husband ang naka-green, nagche-check-in.

lobby

with makulit na bata


our room

mandatory mirror shot. (errr. i know i'm fat. but i'll make a separate post on how i'm struggling w/ my weight problem)

Manyak-Friendly shower

mga display sa banyo na ninakaw ko lahat. (HAHA! SKWATER LEVEL # 22!) 


gift nya sa'kin. a NEW Couple ring. (EXCUSE MEEEH SA CHIPPED KONG NAIL POLISH)

new, kasi nasira yung wedding ring ko so mtagal nkong walang suot na singsing kaya bumili sya ng bago

my BOYS





SUNSET. why do all good things come to an end? #hugot

Ang alat ng tubig, kahit mag-wiwi ka di mahahalata. HAHA!

Dining Room. Max's lang ang sineserve nila. O DIBA, ANG GASTOS. #pulubi



nagmo-moment si Bien


Ganda ng sand ang puti!



ikaw na matangos ang ilong.

BREAKFAST (akin lahat ng kape!!!!! HAHA)

view from our room

3 days 2 nights kami dito. Di na ko masyado nakapag-picture kasi inenjoy ko yung moment. Ang galing nga e kasi may bagyo nang mga panahong to. Bagyong Ruby. pero maaraw the whole time na andon kami. Nung pauwi na kmi dun kami sinalubong ni Ruby.

Stop over sa Bag of Beans. here's a link to their website They offer buffets. nyam nyam nyam
tinotoyo ang bata


parehas pala kaming nka-salamin. PAG NGA NAMAN NAGKAKAEDAD. haayy HAHA
syempre sakin to. COFFEE JUNKIE

mahilig sa PASTA si RONALD..


ako mahilig sa CHICKEN.
eto kay BIEN
in fairness masarap lahat ng pagkain nila, a bit expensive pero sulit naman kasi mejo madami din naman ang serving. saka maganda ang ambiance. Very laid-back.





 So napansin nyo bang nakangiti si Bien pag kasama Papa nya? Nung sakin na... sira-ulong bata to, AKO ANG NAGLUWAL SAYO!! hahahaha
e di AKO na lang!!!
Saya! Sana next year ulit. :)